Untitled Document
  Videos
    •  Are we against Tithing?
    •  Beginning of the Priesthood...
    •  The Importance of Rightly...
    •  Transition Diagram (Levitical...
 
 


Mga simpleng patunay sa pagka Dios ng Panginoong Hesu-Kristo
by: Brother Boy Jose,
Gospel Minister
Host: Katotohanan ay Kalayaan Radio Broadcast
| English | Tagalog |

Sapagka’t marami ang magsisiparito sa Aking Pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo, at ililigaw ang marami. (Mat. 24:5)

Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang. (Mar. 13:22)

Ang mga talatang Mateo 24:5 at Marcos 13:22 ay ilan lamang sa mga katotohanang nagsasaad na may darating na mga bulaang propeta at magsasabing sila ang Kristo at madadaya ang marami. Malinaw na nagbibigay babala ang mga talatang ito tungkol sa pagdating ng mga ibang Kristo o huwad na Kristo. Kaya’t napakahalaga na makilala natin ang tunay na Kristo, na Siyang Taga-pagligtas. Sapagka’t maliban na ating makilala ang tunay na Kristo ng Biblia at sampalatayanan Siya, ay HINDI tayo magkakamit ng kaligtasan ng ating kaluluwa.

Isang malungkot na katotohanan, na ngayon ay may mga nangangaral na ang ating Panginoong Hesu-Kristo ay hindi Dios, at ang iba nama’y nagsasabing Siya ay mas mababang dios o maliit na dios. Bagaman may mga talata sa Biblia na mababasa na ang Panginoong Hesu-Kristo ay tao (sapagka’t Siya nga ay nagkatawang-tao, [ “At nagkatawang –tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin…” Juan 1:14]) ay wala namang mababasa kahit isang talata na nagsasabi na Siya ay HINDI DIOS! Kundi bagkus maraming mga talata sa Biblia ang nagpapatunay ng PAGKA-DIOS NG ATING PANGINOONG HESU-KRISTO.

Tunghayan po natin ang Apocalipsis 22:3-4: “At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang lukluklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at Siya’y paglilingkuran ng Kaniyang mga alipin; at makikita nila ang Kanyang mukha; at ang Kaniyang Pangalan ay sasa kanilang mga noo.” Ang mga talatang ito ay nagpapahayag tungkol sa IISANG TRONO na luklukan ng Dios at ng Cordero na naghahari sa lahat. Dalawang persona ngunit tinutukoy bilang isa, sapagkat ang ginagamit na panghalip ay isahan (“Siya”). Sa talatang 4 naman ay sinasabi na ang Dios at ang Cordero ay may IISANG MUKHA at may IISANG PANGALAN. Nalalaman natin na ang Cordero ng Dios na tinutukoy dito ay walang iba kundi ang Panginoong Hesu-Kristo. Ito ang Kanyang kalagayan bago Siya ipinanganak ng Ama, ( “Sapagka’t kanino sa mga anghel sinabi Niya kailan man, Ikaw ay Aking Anak, Ikaw ay Aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y Kanyang magiging Ama, at Siya’y magiging Aking Anak?, Heb.1:5) at Siya ay babalik na muli sa Kanyang orihinal na kalagayan, kaisa ng Ama, bilang Dios na maghahari sa lahat.

Hindi maaaring mangyari na ang isa na hindi naman Dios ay mapahintulutang lumuklok sa Trono ng Dios at maghari sa lahat. Upang pasinungalingan ito ay maaaring gamitin ng ilan ang talatang Apocalipsis 3:21, (“Ang magtagumpay, ay Aking pagkakaloobang umupong kasama Ko sa Aking luklukan, gaya Ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng Aking Ama sa Kaniyang luklukan”). Ang ibig sabihin lamang nito ay naroon sa kalangitan yaong mga taong nagtagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya at ang kalagayan ay pinagpala at di masayod ang kaligayahan at kaluwalhatian, sa lugar na kung saan naroroon ang Trono ng Dios at ng Cordero upang maghari sa lahat bilang iisang Dios.

Muli, batay sa Apoc.22:3-4, buong tiwala nating masasabi na ang ating Panginoong Hesu-Kristo ay Dios na nagkatawang-tao. AMEN. PURIHIN ANG DIOS.

Dagdag na mga talata sa pagka-Dios ng Panginoong Hesu-Kristo: Mikas 5:2, Isaias 9:6, Juan 1:1, 14, 8:58, 10:30, Colosas 1:16, Filipos 2:5-11, Hebreo 1:8, 13:8, Apocalipsis 19:16.

 
Untitled Document
» Teachings: Scriptures | Audio


TITHING

We cannot deny the fact that during the time of Levitical Priesthood, the Jews were obligated to give the tithes of their harvest because it was commanded to them by God. “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in Mine house.. » read more

 


MGA SIMPLENG PATUNAY SA PAGKA DIOS NG PANGINOONG HESU-KRISTO

Ang mga talatang Mateo 24:5 at Marcos 13:22 ay ilan lamang sa mga katotohanang nagsasabing may mga darating na bulaang propeta at magsasabing sila ang Kristo at madadaya ang marami. » read more

Untitled Document
Announcements:
•  Always tune in to our Radio Programs:
  Saturdays 6:00AM at DZXQ 1350 Khz and
  Sundays 10:00PM at DWBL 1242Khz
•  Missed teachings? listen or download here
•  Our Contact Numbers:
  You may call/text us for your comments and suggestions:
  0917 533-0821 or email us at: bro_boyjose@yahoo.com
       Untitled Document
     Untitled Document home  |  about us  |  teachings  |  contacts Untitled Document Copyright 2008 © Katotohanan.org. All rights reserved. Terms of Use | Privacy Policy.