Untitled Document
  Videos
    •  Are we against Tithing?
    •  Beginning of the Priesthood...
    •  The Importance of Rightly...
    •  Transition Diagram (Levitical...
 
 



KATIYAKAN NG KALIGTASAN

by: Brother Boy Jose,
Gospel Minister
Host: Katotohanan ay Kalayaan Radio Broadcast
| English | Tagalog |

Isang tanong ang maaaring nasa isipan ng marami sa atin, “Kung ang isang tao man ay tunay na sumasampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo (ito’y sapat upang magkamit siya ng kaligtasan ayon sa Mga Gawa 16:31[…
Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka,…]),papaano siyang magkakaroon ng katiyakan ng kaligtasan o “assurance of salvation” gayong siya’y nagkakasala habang nabubuhay sa sanlibutang ito?”

Sa aklat ng Pahayag 13:18, mababasa ang tungkol sa tatak ng Anti-Kristo o “mark of the beast”, ang 666, “…bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao: ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.” Ang sinomang matatakan nito ay tiyak nang patungo sa kapahamakan ang kaniyang kaluluwa.

Sa kabilang dako naman, sa Efeso 1:13-14, “Na Kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,-na sa kaniya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya,, ay kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, (v.13) Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikakatubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikakapuri ng Kaniyang kaluwalhatian (v.14). Dito’y mababasa natin ang tungkol sa tatak ng Espiritu Santo o “seal of the Holy Spirit” na inilalagay ng Dios sa sinoman, matapos na siya’y tunay na manampalataya sa ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Kristo. Ang tatak na ito ay hindi pansamantala lamang na mabubura kung ang isang Kristiyano ay makagawa ng pagkakasala. Kundi, ayon sa talata, ito’y hanggang sa kunin ng Dios ang Kaniyang pag-aari na bibili ng kaniyang sariling Dugo,... ang Kanyang Iglesia o “Church” na Kanyang katawan (ito’y hindi tumutukoy sa pangkat ng relihiyon). “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan,…upang pakanin ninyo ang iglesia ng Dios na binili Niya ng Kaniyang sariling dugo”(Mga Gawa 20:28).

Ngayon, ating ipaghambing ang 2 tatak na nabanggit; . , ang tatak ng Anti-Cristo o “mark of the beast”,666 at ang tatak ng Espiritu Santo o “seal of the Holy Spirit” na tanda ng Dios sa mga mananampalataya;

Kung ang taong natatakan ng “mark of the beast” o 666 ay patungo sa tiyak na kaparusahan, buong tiwala naman nating masasabi na ang sinomang matatakan ng ‘seal of the Holy Spirit ay may katiyakan ng kaligtasan. Sapagkat kung ating sasabihin na ang isang tunay na mananampalataya ay maaaring mawala ang kaligtasan o matungo pa sa kapahamakan, sa dagat-dagatang apoy, ay katumbas ito na pagsasabi na nakahihigit pa ang anti-kristo o ang Diablo kaysa sa Dios. At dito ay sasalungat tayo sa talata na nagsasabing “Kayo’y sa Dios, mumunti kong mga anak , at inyong dinaig sila: sapagka’t lalong dakila Siyang nasa inyo kaysa na sa sanglibutan” (1Juan 4:4).

Batay dito ay masasabi natin ng may matibay na pagtitiwala at buong katapatan sa Dios na “lubos at tiyak ang kaligtasan ng isang taong tunay na sumampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo bilang Tagapagligtas.Sapagkat siya’y may tanda ng pag-aari ng Dios, ang tatak ng Espiritu Santo (seal of the Holy Spirit).”

Dahil sa liwanag ng mga katotohanang ito, ating itinatakwil ang maling aral na maaring mawala ang kaligtasan o “Doctrine of Losing Salvation.” AMEN! GLORY TO GOD!

 
Untitled Document
» Teachings: Scriptures | Audio


TITHING

We cannot deny the fact that during the time of Levitical Priesthood, the Jews were obligated to give the tithes of their harvest because it was commanded to them by God. “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in Mine house.. » read more

 


MGA SIMPLENG PATUNAY SA PAGKA DIOS NG PANGINOONG HESU-KRISTO

Ang mga talatang Mateo 24:5 at Marcos 13:22 ay ilan lamang sa mga katotohanang nagsasabing may mga darating na bulaang propeta at magsasabing sila ang Kristo at madadaya ang marami. » read more

Untitled Document
Announcements:
•  Always tune in to our Radio Programs:
  Saturdays 6:00AM at DZXQ 1350 Khz and
  Sundays 10:00PM at DWBL 1242Khz
•  Missed teachings? listen or download here
•  Our Contact Numbers:
  You may call/text us for your comments and suggestions:
  0917 533-0821 or email us at: bro_boyjose@yahoo.com
       Untitled Document
     Untitled Document home  |  about us  |  teachings  |  contacts Untitled Document Copyright 2008 © Katotohanan.org. All rights reserved. Terms of Use | Privacy Policy.