Untitled Document
  Videos
    •  Are we against Tithing?
    •  Beginning of the Priesthood...
    •  The Importance of Rightly...
    •  Transition Diagram (Levitical...
 
 



Kasaysayan ng Programang
KATOTOHANAN AY KALAYAAN

| English | Tagalog |

Mula nang malaman ko ang aral ng kaligtasan, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Kristo (na Siya ay namatay, inilibing at nabuhay na muli) ay inilagay ng Dios sa aking puso ang mabigat na kaawaan sa mga kaluluwa na di pa nakakaalam ng Magandang Balitang ito ng kaligtasan.

Ang simpleng katotohanan, na ang mga kasalanan na dapat nating bayaran sa dagat-dagatang apoy ("Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin", Rom.6:23) ay may nagbayad na para sa atin,..ay kinakailangan maibahagi sa lahat ng tao na hindi pa nakakaalam nito, upang sa gayon, kung ito'y kanilang sampalatayanan ay magkamit sila ng kaligtasan ng kaluluwa.

Magmula noon, sa mura kong kaalaman bilang mananampalataya, ay sinikap kong ihatid sa sinoman at sa paano mang paraan ang Doktrinang ito.

Hanggang sa nang minsan, isang naka-schedule na Bible Study na dadaluhan sana ng may 8 pamilya ang hindi naipagpatuloy, sapagkat ang mga taong dapat sana'y dadalo nito ay tumanggi na sa pakikinig at hindi na mapilit pang dumalo.

Ang dahilan ay sapagkat may nagsabi sa kanila na "kapag kayo ay nakinig sa mga iyan, 10% ng inyong mga suweldo ay ibibigay ninyo, obligado!" ( ito ang tinutukoy na Doktrina ng obligadong pagbibigay ng IKAPU o IKASAMPUNG BAHAGI).

Magmula noon ay malaking pag-aalinlangan ang sumapuso ko tungkol sa aral na ito na ipinangangaral ng karamihan sa mga pastor sa relihiyon na aking kinaaaniban at gayon din sa iba pang mga grupo o sekta ng relihiyon. Lagi kong idinudulog at hinihingi sa Dios ang katotohanan patungkol dito. Masigasig kong sinasaliksik ang bagay na ito sa Banal na Kasulatan,gayun din sa pamamagitan ng pakikinig sa mga pangangaral at sa pakikipag-usap sa mga mangangaral ng iba't ibang grupo o pangkatin ng pananampalataya. Hanggang sa lubusan kong maunawaan ang katotohanang "WALANG OBLIGADONG PAG-IIKAPU SA ILALIM NG PAGKASASERDOTE NG PANGINOONG HESU-KRISTO!" Amen.

Magmula noon ay nakita ko ang pagkilos ng kamay ng Dios sa aking buhay, lalo na sa tuwing ako'y mahaharap sa mga conference at maging sa mga personal o individual na pakikipag-usap sa mga pastor o mangangaral, maging mga propesor ng iba't ibang grupo ng relihiyon. Hanggang sa noong Setp. 23, 2007, sa harap ng mga saksi at sa pagpapatotoo ng maraming mga pastor at kamanggagawa ay aking tinaggap ang ORDINATION bilang Gospel Minister sa edad na 48 at sa eksaktong 10 taon bilang anak ng Dios.

Udyok ng pagnanasang isiwalat ang mga katotohanang ito at ang aral ng kaligtasan sa abot ng aking makakaya, ay nakipag-usap ako sa mga istasyon ng radyo at isinilang sa unang pagkakataon ang programang "KATOTOHANAN AY KALAYAAN" na may sub-title na "Biblia ang Batayan", para sa malawakang pangangaral ng Salita ng Dios.

Sa biyaya ng Dios at sa pakikipagtulungan ng mga kamanggagawa sa ubasan ng Panginoon, sa kabila ng kakapusan sa kaalaman at kawalan ng karanasan sa radio broadcasting ay sinimulan ang unang pagsasahimpapawid nito noong Hulyo 2008 sa mga istasyong DZXQ -1350khz tuwing Sabado, 6AM at sa DWBL - 1242khz tuwing Linggo, 10PM.

Malaking pasasalamat ko, una sa lahat, sa Panginoong Dios na gumagabay at nag-iingat sa akin sa bawa't hakbang na isinansagawa at nagbubuhos na patuloy ng mga biyaya na kinakainlangan sa mga gugulin at pangangailangang pinansyal para sa mga bagay na ito. Pangalawa, sa aking mabuting kabiyak na si Sis. Connie na buong katapatan at katiyagaang sumusuporta sa lahat ng aking mga gawang paglilingkod, at sa aming mga anak at manugang (Charlene at Ptr.Jay, Jayjay, at Preacher Paul) na patuloy na nananalangin para sa akin. Gayundin, sa mga kamanggagawa ko sa ubasan ng Panginoon na buong giting na nanininndigan sa katotohanan batay sa Salita ng Dios sa kabila ng mga pag-uusig, at tunay na ginagamit ng Dios sa iba't ibang kaparaanan upang patuloy na maisagawa ang dakilang gawaing ito na iniatang ng Dios sa aming mga balikat. Gayundin, sa mga kapatiran na sumusuporta at nananalangin upang kami'y patuloy na kasihan ng Panginoong Dios. At ang iglesia ng Soldiers of Christ Baptist Church na naging malaking bahagi sa aking spiritual na pangangailangan.

Kasabay ng pasimula ng radio broadcast ay nagprovide ang Dios ng Billboard na magagamit upang i-advetise ang programang pang-radyo, na ito'y matatagpuan sa NLEX Balintawak, Caloocan City. At kasabay din nito ay sinimulan naman ang website (www.katotohanan.org) para sa pagpapalaganap ng mga katotohanan ng Dios sa buong daigdig. Purihin ang Dios!.

Tunay na kamangha-mangha ang pagkilos ng kamay ng Dios. Ngunit ganun pa man, mga kapatid, ay patuloy nyo kaming alalahanin sa inyong mga panalangin at tulungan kami sa pamamagitan ng inyong pakikinig o pagsubaybay at pagbabalita sa marami patungkol sa programang 'KATOTOHANAN AY KALAYAAN' tungo sa ikalalaganap ng mga tunay na kalooban ng Dios at hindi Doktrina ng anumang grupo ng relihiyon. Patuloy nawa tayong ingatan at pagpalain ng Panginoon nating Dios. Amen.


 
Untitled Document
» Teachings: Scriptures | Audio


TITHING

We cannot deny the fact that during the time of Levitical Priesthood, the Jews were obligated to give the tithes of their harvest because it was commanded to them by God. “Bring ye all the tithes into the storehouse, that there may be meat in Mine house.. » read more

 


MGA SIMPLENG PATUNAY SA PAGKA DIOS NG PANGINOONG HESU-KRISTO

Ang mga talatang Mateo 24:5 at Marcos 13:22 ay ilan lamang sa mga katotohanang nagsasabing may mga darating na bulaang propeta at magsasabing sila ang Kristo at madadaya ang marami. » read more

Untitled Document
Announcements:
•  Always tune in to our Radio Programs:
  Saturdays 6:00AM at DZXQ 1350 Khz and
  Sundays 10:00PM at DWBL 1242Khz
•  Missed teachings? listen or download here
•  Our Contact Numbers:
  You may call/text us for your comments and suggestions:
  0917 533-0821 or email us at: bro_boyjose@yahoo.com
       Untitled Document
     Untitled Document home  |  about us  |  teachings  |  contacts Untitled Document Copyright 2008 © Katotohanan.org. All rights reserved. Terms of Use | Privacy Policy.